Education

Education

Archive
Join as an Editor/Reviewer

IMPLUWENSYA NG “MILLENNIAL WORDS” AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG KOMPOSISYONG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG BIÑAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Volume: 112  ,  Issue: 1 , November    Published Date: 10 November 2022
Publisher Name: IJRP
Views: 8080  ,  Download: 12883 , Pages: 93 - 105    
DOI: 10.47119/IJRP10011211120224068

Authors

# Author Name
1 Flordelyn Villamater-Garcia

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang Impluwensya ng Millennial Words at Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon ng mga mag-aaral ng Biñan Integrated National High School. Kung saan tiyakang sasagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang propayl ng tagasagot batay sa:1.1 Gulang 1.2 Kasarian at 1.3 Natapos ng magulang ?, 2. Ano ang impluwensya ng “Millennial Words” sa : 2.1 Pagbasa 2.2 Pagsulat 2.3 Pakikinig 2.4 Pagsasalita at 2.5 Panonood?, 3. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon batay sa marka?, 4. May makabuluhang kaugnayan ba ang propayl ng tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyong Filipino ng mga mag-aaral? at 5. May makabuluhang kaugnayan ba ang impluwensya ng millennial words sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyong Filipino ng mga mag-aaral? Ang ginamit na disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptibong pamamaraan. Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos ay isang talatanungan na binubuo ng tatlong bahagi.Sa propayl ng tagasagot, ginamit ang “frequency and percentage” hinggil sa gulang, kasarian, at natapos ng magulang ng mga tagatugon. Ginamit naman ang “Mean at Standard Deviation” sa impluwensya ng millennial words sa makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita at panonood. Gayundin, ginamit ang “Mean at Standard Deviation” sa kasanayan sa pagbuo ng Komposisyong Filipino ng mga magaaral. Upang matukoy ang kaugnayan ng propayl ng tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyong Filipino at kaugnayan ng millennial words sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyong Filipino ng mga magaaral, ginamit ang istatistikang Regression Analisis. Batay sa resulta, ang mga mag-aaral na may pinakamaraming tagasagot ay nagmula sa gulang na labinlima hanggang labimpito na may bahagdan na walumput lima. Nangangahulugan lamang na maraming nagsasalita o gumagamit ng millennial words ang nasa gulang labinlima hanggang labimpito. Batay sa datos, lumalabas na may katamtamang impluwensya ang millennial words sa makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita at panonood. Mas marami pa rin ang nangangailangan ng kasanayan sa pagsulat ng komposisyon kung saan may labinlimang tagasagot na may tatlumput pito at limampung bahagdan ang nangangailangan ng kasanayan sa pagsulat ng komposisyong Filipino kumpara sa lima lamang na may napakahusay na mayroon lamang labindalawa at limampung bahagdan. Implikasyon lamang ito na marahil ay napapabayaan o nalilimutan na ng mga mag-aaral ang wastong pagsulat ng komposisyon dala na rin ng mga makabagong teknolohiya at libangan sa kasalukuyan na posibleng dahilan sa kawalan ng interes o kasanayan sa pagsulat. Isa pang dahilan ay sapagkat mas nahuhumaling ang mga kabataan sa pagtuklas at paggamit ng mga salitang kakaiba katulad na lamang ng mga millennial words na palasak nang ginagamit ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Sa pag-aaral na ito naipakita na walang makabuluhang kaugnayan ang Propayl ng Tagasagot sa Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyong Filipino. Marahil hindi nakaimpluwensya ang Gulang, Kasarian at Natapos ng Magulang sa kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyong Filipino ng mga mag -aaral ng Biñan Integrated National High School. .Gayundin, kapwa walang makabuluhang kaugnayan ang Impluwensya ng Millennial Words sa Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyong Filipino ng mga mag-aaral. Pareho mang gumagamit ng wikang Filipino ngunit magkaiba ng estruktura sa wastong paggamit ng wika. Sa paggamit ng millennial words ay maaaring nahaluan ng mga balbal na salita samantala sa pagsulat ng komposisyon ay nangangailangan ng mas pormal at organisadong gamit ng wika. Kung kaya, ang hinuha sa pananaliksik na ito ay tinanggap o (accepted). Iminumungkahi na magkaroon ng epektibong estratehiya ng pampagtuturo na makapagpapataas sa kakayahan ng mga mag-aaral kaugnay ng tamang paggamit ng millenial words lalot higit sa makrong kasanayan at sa pagsulat ng wastong komposisyon. Keywords: Impluwensya ng Millenial Words, Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon

Keywords

  • Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon
  • Impluwensiya ng "Millenial Words"