Education

Education

Archive
Join as an Editor/Reviewer

E-GAMES: SALITALINO SA PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO SA FILIPINO

Volume: 102  ,  Issue: 1 , June    Published Date: 08 June 2022
Publisher Name: IJRP
Views: 3842  ,  Download: 4581 , Pages: 527 - 536    
DOI: 10.47119/IJRP1001021620223327

Authors

# Author Name
1 DANIELLE F. SERRANO

Abstract

Nakatuon ang pag-aaral sa E-GAMES: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino sa ika-8 baitang ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School Panuruang taon 2021-2022. Ang pag-aaral ay nangangailangan ng isandaan at tatlumpung (130) mag-aaral, labingwalong guro (18) at dalawang (2) dalubhasa sa teknolohiya at pinili sa pamamaraang ?purposive sampling?. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang antas ng paggamit ng E-Games: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino batay sa layunin,nilalaman, pagsasanay, organisasyon at disenyo? Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagtataya? May makabuluhang pagkakaiba ba ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagtataya? May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng E-Games: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral? Ang disenyong ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay deskriptibong paraan. Gumamit din mean, standard deviation at T-test upang masuri ang mga datos. Sa pamamagitan ng mga inilahad na kinalabasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: Ang unang haypotesis na nasa unang kabanata na ?Walang makabuluhang pagkakaiba ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagtataya.? ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na ?may makabuluhang? kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang ito na ang paggamit ng E-Games: SALITALINO ay nakatutulong sa pagpapalawak ng bokabularyo sa wikang Filipino. Ang ikalawang haypotesis na ?Walang kaugnayan ang paggamit ng EGames: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral.? ay dapat tanggapin, sapagkat ipinapakita nito na ?walang makabuluhang? kaugnayan sa pagitan nila. Lumabas sa pag-aaral na ang E-Games: SALITALINO ay walang kaugnayan sa antas ng pagganap ng mga mag-aaral. Matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod: 1. Maaaring gamitin ang mga ?E-Games? bilang karagdagang salalayan sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. 2. Ang mga mag-aaral at guro ay maaaring maging bukas sa na paggamit ng mga ?Game-based Learning? bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto. Kinakailangan lamang na siguraduhing angkop ito sa mga paksang tatalakayin. 3. Para sa paaralan, hinihikayat ang pagdaraos ng mga palihan na naglalayong mapaunlad ang paraan ng pagtuturo sa tulong ng makabagong teknolohiya upang paraan ng pagtuturo ay makasabay sa hinihinging pagbabago ng panahon. 4. Sa mga susunod na mananaliksik maari pang susugan ang pag-aaral na ito upang makaisip pa ng ibang teknik o pamamaraan sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga magaaral.

Keywords

  • vocabulary enhancement